Kinatagpo nitong Biyernes, Disyembre 14 ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC ang delegasyon ng American Foreign Policy Council (AFPC) na pinamumunuan ni Timothy Keating, dating commander-in-chief ng Pacific Command ng Estados Unidos.
Sinabi ni Yang na nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa working dinner pagkaraan ng G20 Summit sa Argentina, nitong Disyembre 2, local time. Sumang-ayon ang dalawang pangulo na magkasamang pasulungin ang ugnayang Sino-Amerikano na nagtatampok sa koordinasyon, kooperasyon at katatagan. Umaasa ani Yang ang Tsina na titingkad pa ang papel ng AFPC para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Keating bilang mahalagang magkapartner na pangkooperasyon, kailangang pahigpitin ng Amerika't Tsina ang komunikasyon at palakasin ang pagtitiwalaan para maisakatuparan ang mutuwal na benepisyo at win-win cooperation. Pangako ni Keating, magsisikap ang AFPC para mapasulong ang pagkakaalam at pag-uunawaan ng Amerika't Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac