Ipinatalastas nitong Biyernes, Disyembre 14 ng Ministri ng Pinansya ng Tsina na sususpendihin ng bansa ang karagdagang taripa sa mga sasakyang-de-motor at mga piyesa ng Estados Unidos sa susunod na tatlong buwan.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng nasabing ministring Tsino sa website nito, mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2019, ititigil ng Tsina ang 25% taripa sa 144 na behikulo at piyesa, at ang 5% taripa sa 76 auto items.
Ito anito bilang pagpapatupad sa napagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa working dinner pagkaraan ng G20 Summit sa Argentina, nitong Disyembre 1, local time. Sumang-ayon ang dalawang pangulo na sa loob ng darating na 90 araw kanselahin ang lahat ng mga karagdagang ipinataw na taripa sa isa't isa.
Salin: Jade
Pulido: Mac