Sinabi Martes, Disyembre 18, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat komprehensibo't wastong ipatupad ng bansa ang mga patakaran ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong, pangangasiwa sa Macao ng mga taga-Macao, at autonomiya sa mataas na antas, pasulungin ang mga gawain alinsunod sa konstitusyon at saligang batas, at kumpletuhin ang mga sistema at mekanismo na may kinalaman sa pagpapatupad ng saligang batas. Dapat din panatilihin ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao, katigan at pasulungin ang mas mainam na pagsali ng Hong Kong at Macao sa pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng bansa, at hayaan ang mga taga-Hong Kong at taga-Macao na magkasamang magsabalikat ng responsibilidad ng pag-ahon ng Nasyong Tsino, at magtamasa ng karangalan ng kasaganaan ng inang bayan.
Dagdag pa ni Xi, may determinasyong pulitikal at malakas na kakayahan ang Tsina sa pangangalaga sa sariling soberanya at kabuuan ng teritoryo, at dapat panatilihing buo ang sagradong teritoryo ng inang bayan.
Salin: Vera