Sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-18 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igiit ng bansa ang ganap at mahigpit na pangangasiwa sa Partido Komunista ng Tsina (CPC), at walang humpay na pataasin ang inobasyon at kakayahan sa pagbubuklod at pakikibaka ng partido.
Aniya, ang CPC ay susi ng pagpapabuti ng iba't ibang usapin ng Tsina. Dapat walang humpay na palakasin ang pagkakaisa at kasiglahan ng partido, pataasin ang kakayahan ng partido sa administrasyon. Dapat buong tatag na lipulin ang lahat ng mga korupsyon, upang likhain ang malinis na ekolohiyang pulitikal para sa patuloy na pagpapasulong ng reporma at pagbubukas.
Salin: Vera