Ipinahayag Disyembre 18, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa unang pulong ng Advisory Council of the Belt and Road Forum for International Cooperation na binuksan sa Beijing, hinahangaan ng mga kalahok ang positibong papel ng Belt and Road Initiative sa pagpapasulong ng kooperasyon at kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig.
Ani Hua, bilang isang non-profit at international policy advisory body, binuo ang nasabing konseho ng mga kilalang personahe mula sa ibat-ibang bansa't rehiyon sa daigdig, na kinabibilangan ng mga dating lider ng pamahalaan, mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mga kilalang iskolar, mga kinatawan mula sa sektor ng industriya at komersyo, at iba pa. Ito aniya'y para bigyan ng intelligence support ang pandaigdigang pagtutulungan sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road, batay sa prinsipyo ng magkasamang negosasyon, magkasamang konstruksyon, at magkasamang pagtatamasa ng bunga ng kooperasyon.
Ipinahayag ni Hua na nagkaroon ng tagumpay ang unang pulong ng Advisory Council of the Belt and Road Forum. Umaasa aniya ang mga kalahok na isasapubliko ng Ikalawang Porum ng Belt and Road ang positibong signal sa pagpapasulong ng multilateralismo, bukas na pag-unlad, at win-win cooperation ng daigdig.