Ipinahayag Desyembre 18, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang Pangatlong Policy Paper sa Unyong Europeo (EU), tulad nito noong 2003 at 2014.
Sinabi ni Hua na bilang mahalagang proklamasyong pampatakaran sa EU, inilahad ng nasabing dokumento ang layunin ng patakaran ng Tsina sa EU sa bagong panahon, at mga isasagawang hakbang ng bansa para palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipagtulungan sa EU sa ibat-ibang larangan.
Ani Hua, sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at EU at ika-20 anibersaryo ng mekanismong pandiyalogo ng mga lider ng Tsina at EU, hinaharap ng bilateral na pagtutulungan ng dalawang panig ang bagong mahalagang kalagayan at pagkakataong pangkaunlaran. Umaasa aniya ang Tsina na ibayo pang palalalimin at palalawakin ang komprehensibong pakikipagtulungan sa EU para maisakatuparan ang mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo, at upang magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran, at kaayusan ng daigdig.