|
||||||||
|
||
Mula ika-19 hanggang ika-21 ng Disyembre, 2018, ginanap sa Beijing ang taunang Central Economic Work Conference ng Tsina. Dumalo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Central Military Commission, at ang iba pang 6 na pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong, nilagom ng Pangulong Tsino ang mga gawaing pang-ekonomiya sa taong 2018, inanalisa ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan, at ginawa ang plano sa mga gawaing ekonomiko sa taong 2019.
Binigyang-diin sa pulong na ang taong 2019 ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, masusi rin ito para sa komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, kaya napakahalaga ng pagpapabuti ng iba't ibang gawaing pangkabuhayan.
Nang mabanggit ang macro-economy policy ng Tsina, tinukoy sa pulong na dapat patuloy na isagawa ang proaktibong patakarang piskal at matatag na patakarang pansalapi.
Ayon sa planong ginawa sa pulong, ang pagpapasulong sa komprehensibong pagbubukas sa labas ay magiging isa sa mga pangunahing tungkulin sa susunod na taon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |