Ipinahayag Disyembre 24, 2018 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang magkasamang magsisikap ang ibat-ibang panig ng Myanmar, at magkakaroon ng diyalogo para maisakatuparan ang rekonsilyasyon, kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Ayon sa ulat, nagpalabas kamakailan ng pahayag na pangkapayapaan ang mga armadong grupo ng tatlong panbansnag minorya ng Myanmar na kinabibilangan ng Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA), Ta'ang National Liberation Army (TNLA), at Arakan Army. Matapos ito, ipinatalastas din ng Punong Himpilan ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar ang pagtigil ng aksyong militar sa gawing-hilaga ng bansa, mula ika-21 ng Disyembre, 2018 hanggang ika-30 ng Abril, 2019.
Hinggil dito, ipinahayag ni Hua na positibo ang Tsina sa natamong progreso ng prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan, at pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng bansa.