Ipinahayag Disyembre 20, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang paglagda ng pamahalaang Amerikano sa umano'y "Reciprocal Access to Tibet Act of 2018" na pinagtibay ng kongreso.
Ani Hua, ito ay lumalabag sa basic norms of governing international relations, nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, nagbibigay ng maling signal sa mga seperatismong puwersa sa Tibet, at nakakapinsala sa pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa.
Aniya, tinanggap ng Tsina ang mga dayuhan sa Tibet para sa pagbisita, paglalakbay, at negosyo. Pero, dapat sila tumalima sa mga batas at regulasyon ng Tsina, at tupdin ang mga kailangang proseso.