Ipinahayag Disyembre 26, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na natamo kamakailan ang isang serye ng positibong progreso sa pagpapalitan ng Timog at Hilagang Korea. Kumakatig aniya ang Tsina sa patuloy na pangangalaga ng Timog at Hilagang Korea sa kasalukuyang mainam na tunguhin ng kanilang ugnayan, patuloy na pagpapahigpit ng pagtitiwalaan, at pagpapabuti ng relasyon.
Ayon sa ulat, napagpasiyahan ng Ministri ng Seguridad ng Timog Korea na hindi ilalagay ang mga salitang "itinatrato ang awtoridad at hukbo ng Hilagang Korea bilang kalaban" mula sa "White Paper ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea sa 2018," na ilalabas sa Enero ng susunod na taon.
salin:Lele