Nakatakdang idaos sa Beijing alas-10:00 ng umaga, darating na Miyerkules, Enero 2, 2019, ang pagtitipon bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagpapalabas ng Mensahe sa mga Kababayan sa Taiwan.
Lalahok sa nasabing pulong at bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Magsasagawa ng live broadcast hinggil dito ang China Media Group at Xinhua News Agency. Mababasa at mapapakinggan ang mga may kinalamang balita sa iba't ibang plataporma ng Filipino Service na gaya ng website (filipino.cri.cn), Facebook page (CRI Filipino Service), at APP (ChinaRadio).
Salin: Jade