Isiniwalat ngayong araw, Biyernes, ika-4 ng Enero 2019, sa Beijing ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na mula ika-7 hanggang ika-8 ng buwang ito, idaraos ng Tsina at Amerika ang pagsasanggunian hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan sa antas na pangalawang ministeryal.
Ayon sa naturang ministri, nag-usap sa telepono kaninang umaga ang mga may kinalamang opisyal na Tsino at Amerikano. Kinumpirma nilang dadalaw sa Tsina mula ika-7 hanggang ika-8 ng buwang ito ang working group ng panig Amerikano na pinamumunuan ni Jeffrey Gerrish, Deputy United States Trade Representative, at gagawin nila, kasama ng working groupo ng panig Tsino, ang talakayan hinggil sa pagpapatupad ng mga mahalagang komong palagay na narating nila Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanilang pagtatagpo sa Argentina.
Salin: Liu Kai