Kinumpirma kahapon, Huwebes, ika-20 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nag-usap sa telepono noong ika-19 ng buwang ito ang mga opisyal na Tsino at Amerikano sa antas ng pangalawang ministro hinggil sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Ayon kay Gao, sa pag-uusap, tinalakay ng dalawang panig ang mga isyung gaya na kani-kanilang interes sa kabuhayan at kalakalan, pagbabalanse ng kalakalan, pangangalaga sa Intellectual Property Rights, at iba pa. Nagpalitan din ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga isyu at iskedyul ng mga susunod na pagsasanggunian.
Sinabi rin ni Gao, na pananatilihin ng panig Tsino at Amerikano ang mahigpit na pag-uugnayan, para ipatupad ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa maayos na paglutas sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Liu Kai