Sa preskon Miyerkules, Disyembre 5, 2018, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na napakatagumpay ng pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika, at may kompiyansa siyang maipapatupad ang mga narating na komong palagay.
Ayon sa naturang tagapagsalita, sa loob ng 90 araw, aktibong pasusulungin ng mga grupong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig ang kaukulang gawain ng pagsasanggunian, alinsunod sa malinaw na timetable at roadmap.
Matatandaang naghapunan at nagtagpo kamakailan sa Buenos Aires sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika. Nagkaisa ng palagay ang dalawang lider na ititigil ang pagpapataw ng bagong karagdagang taripa. Tinagubilinan din nila sa mga grupong ekonomiko ng dalawang bansa na pabilisin ang pagsasanggunian, para marating ang konkretong kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, tungo sa direksyon ng pagkansela sa lahat ng mga karagdagang taripa.
Salin: Vera