Ayon sa pahayag na inilabas Linggo, Enero 6, 2019, ng Istana Negara, Pambansang Palasyo ng Malaysia, nagbitiw sa tungkulin si Sultan Muhammad V, Kataas-taasang Lider ng bansa. Anang pahayag, ayon sa konstitusyon, nagbitiw sa tungkulin si Sultan Muhammad V bilang ika-15 lider ng bansa, at nagkabisa ito sa Enero 6. Pormal niyang ipinaalam ito sa Council of Rulers na binubuo ng mga Heriditaryong Sultan o gobernador ng 9 na estado ng bansa. Hindi binanggit ng pahayag ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa tungkulin.
Ang 49-taong gulang na si Muhammad V ay Sultan ng Estado ng Kelantan sa hilagang Malaysia. Nanungkulan siya bilang lider ng bansa noong Disyembre, 2016.
Salin: Vera