Yangon, Myanmar—Ginanap Martes, Disyembre 18, 2018 ang simposyum ng kooperasyon ng mga lunsod na panturista ng Tsina at Myanmar. Ang tema ng nasabing simposyum ay "Pagpapalalim ng Kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa Turismo, Pagpapasulong sa Komprehensibong Kooperasyon ng mga Lunsod na Panturista sa Lancang-Mekong River."
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Li Xiaoyan, Minister Counsellor ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar, na nitong nakalipas na ilang taon, masiglang masigla ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong panturista ng Tsina at Myanmar. Umaasa aniya siyang palalakasin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan, at ipagkakaloob ang mas maraming ginhawa para sa paglalakbay sa ibayong dagat ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Tinalakay ng mga opisyal, iskolar at bahay-kalakal na may kinalaman sa turismo ng dalawang bansa ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan, umiiral na problema at mungkahi sa kooperasyon sa pagitan ng mga lunsod na panturista ng dalawang bansa. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa kung paano pasusulungin ang kooperasyong panturista ng Tsina at Myanmar, at pasusulungin ang konstruksyon ng alyansa ng kooperasyon ng mga lunsod na panturista sa Lancang-Mekong River.
Salin: Vera