Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Martes, Disyembre 18, 2018, idinaos ang ika-4 na pulong ng pagsasangguniang diplomatiko't pandepensa ng Tsina at Myanmar sa mataas na antas.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa pagpapatupad ng mga narating na komong palagay ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa, lalung lalo na, tungkol sa isyu sa kahilagaan ng Myanmar. Kapuwa nila ipinalalagay na ang kalagayan sa kahilagaan ng Myanmar ay may kinalaman sa kapayapaan ng purok-hanggahan ng dalawang panig at tungkol sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan sa hanggahan. Dapat anilang totohanang magtimpi ang iba't ibang panig sa kahilagaan ng Myanmar at isakatuparan ang tigil-putukan sa lalong madaling panahon, para maiwasan ang negatibong epekto sa katatagan sa purok-hanggahan.
Ipinaalam din ng panig ng Myanmar ang pinakahuling progreso sa prosesong pangkapayapaan sa loob ng bansa. Pinasalamatan din nito ang patuloy na pagpapatingkad ng panig Tsino ng konstruktibong papel para sa talastasang pangkapayapaan ng Myanmar.
Nagpahayag naman ang panig Tsino ng mainitang pagtanggap at pagkatig sa natamong progreso ng prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Nakahanda itong pasulungin, kasama ng Myanmar, ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang bansa, at magbigay-tulong sa pag-unlad ng kahilagaan ng Myanmar at purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Vera