|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing Lunes, Enero 7, 2019, ni Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, na ang pagpapaunlad at pagpapalalim ng relasyong Biyetnames-Sino ay estratehikong pagpili ng dalawang bansa. Ito aniya ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Winika ito ni Dang Minh Khoi sa kanyang pakikipagkita sa mga mamamahayag sa embahadang Biyetnames sa Tsina. Dumalo rito ang mga mamamahayag mula sa mahigit 20 pangunahing mediang Tsino at Biyetnames sa Tsina.
Dagdag pa niya, umaasa ang Biyetnam na patuloy na mapapasulong ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Biyetnam at Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |