Sinimulan Enero 8, 2019, sa Lunsod ng Dongxing ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang aktibidad ng transnasyonal na turismo sa pagitan ng Tsina at Biyetnam. Sa 5-araw na aktibidad, lumahok ang mga miyembro ng mahigit 100 self-drive tour club ng Tsina, Biyetnam, Kambodya, Thailand, Laos, at Malaysia. Sila'y nagmaneho ng kotse patungong Lunsod ng Dongxing, Moncay at Ha Long Bay ng Biyetnam.
Isinalaysay ni Huang Kun, Puno ng Departamento ng Turismo ng Lunsod ng Dongxing ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, na kasunod ng paglaki ng bilang ng mga taong may kotse sa Tsina, lumalaki rin ang pangangailangan para sa self-drive tour.
Salin:Lele