Ipinahayag Enero 8, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kumakatig ang kanyang bansa sa pagdaraos ng diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika. Aniya pa, natamo ng dalawang panig ang positibong bunga.
Sa paanyaya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, mula Enero 7 hanggang 10, 2019, bumiyahe sa Tsina si Kim Jong-un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party, at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng North Korea. Hinggil sa pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika, sinabi ni Lu na laging naninindigan ang Tsina sa mainam na pagpapanatili ng ugnayan at diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika bilang pangunahing may kinalamang panig sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin:Lele