Pinapurihan ng Tsina ang maraming hakbangin na isinagawa ng Hilagang Korea (DPRK) para isakatuparan ang ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula, at kumakatig ang Tsina sa pananatili ng mainam na pagpapalitan ng DPRK at Amerika, at magkabilang panig ng Korean Peninsula, ito ang ipinahayag, Enero 2,2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Kim Jong Un, lider ng Hilagang Korea na handa siya sa lahat ng sandali na makipagtagpo kay Donald Trump, Pangulo ng Amerika. Inulit din niya ang hangarin ng pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear ng Korean Peninsula, at aktibong paghahanap sa pagkakataon ng pagdalaw sa Timog Korea.
salin:Lele