Mula ika-7 hanggang ika-9 ng Enero, 2019, idinaos sa Beijing ang pagsasanggunian ng mga pangalawang ministro ng Tsina at Estados Unidos sa isyung pangkabuhaya't pangkalakalan. Kaugnay ng natamong bunga ng nasabing pagsasanggunian, ipinahayag Huwebes, Enero 10, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na aktibong ipinatupad ng kapuwa panig ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at isinagawa ang malawak, malalim at detalyadong pagpapalitan hinggil sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Dagdag pa ni Gao, seryoso, mataimtim at matapat ang pakikitungo ng magkabilang panig sa nasabing pagsasanggunian, at nagpupunyagi sila tungkol sa direksyon ng pagpapatupad ng mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.
Ayon kay Gao, ang isyung pang-estruktura ay mahalagang nilalaman ng naturang pagsasanggunian. Sa susunod na hakbang, patuloy na magkasamang magsisikap ang mga grupo ng kapuwa panig, para mapasulong ang pagsasanggunian ayon sa nakatakdang plano.
Salin: Vera