Sa kanyang talumpati kamakailan sa bangketeng panggabi ng China General Chamber of Commerce - U.S.A. (CGCC) sa taong 2019, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na patuloy na makikipagkooperasyon ang Tsina sa Amerika para maitatag ang malakas at matibay na bilateral na relasyon. Dahil ang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng dalawang bansa, aniya.
Sinabi niya na lubos na pinatutunayan ng kasaysayan na ang reporma at pagbubukas ng Tsina, pagiging normal at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay nakapaghahatid ng benepisyo, hindi lamang sa dalawang bansa, kundi maging sa buong daigdig.
Salin: Li Feng