Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, idinaos sa Beijing Enero 7-9, 2019 ang negosasyon ng mga pangalawang ministro ng Tsina at Amerika hinggil sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.
Alinsunod sa komong palagay na narating ng mga kataas-taasang lider ng Tsina at Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga may-kinalamang isyu sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ipinalalagay ng dalawang panig na bumubuti ang pag-uunawaan sa isat-isa sa kasalukuyang negosasyon. Sinang-ayunan din nilang ipagpapatuloy ang pinapahigpit na pagkokontakan.