Ipinahayag Huwebes, Enero 10, 2019 ni Miao Wei, Ministro ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, na dapat pabilisin ang pagpapasulong sa konstruksyon ng manufacturing power at cyber power, at panatilihin ang matatag at malusog na pag-unlad ng industriya at industriya ng telekomunikasyon.
Winika ito ni Miao sa isang panayam hinggil sa pagpapatupad ng diwa ng Central Economic Work Conference na ginanap noong nagdaang Disyembre.
Ani Miao, ang pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng pagyari ay unang pangunahing tungkulin sa kasalukuyang taon, at ito ay dahil sa pangkagipitang pangangailangan ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo sa daigdig. Sa palagay niya, may napakalaking pamilihang panloob, komprehensibong sistema ng industriya, tumataas na kakayahan sa inobasyon, at maginhawang imprastruktura at kapaligirang komersyal ang Tsina, at nakakaya nitong harapin ang mga hamong dulot ng masalimuot na kapaligirang panlabas.
Isiniwalat din ni Miao na pinapabilis ng kanyang ministri ang commercialization ng 5G network. Tinaya niyang sa huling hati ng taong ito, makikita sa pamilihan ang mga cell phones at tablets na may 5G network.
Salin: Vera