Ginanap sa Beijing Sabado, Enero 12, 2019, ang Ika-10 Porum ng Prospek ng Kabuhayang Tsino. Sinabi sa porum ni Li Wei, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa kasalukuyan, lumilitaw ang masalimuot at malalimang pagbabago sa situwasyong pangkabuhayan sa Tsina at buong daigdig. Aniya, ang pagpapataas ng produktibidad ay palagiang nagiging esensya ng paglaki ng kabuhayan. Para mapabilis ang pag-unlad ng inobasyon at pag-unlad sa mataas na kalidad, dapat pasulungin ang pag-unlad ng produktibidad, aniya pa.
Ipinahayag din niya na pagkaraan ng 40 taong reporma at pagbubukas, malaking lumakas ang komprehensibong puwersa ng Tsina. Aniya, nagiging mas matibay ang pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan, at napakalawak ang espasyo ng pangangailang panloob. Ang bagong round ng reporma at pagbubukas ay nagsisilbing bagong puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng