Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, sasalubungin ang kinabukasan sa pamamagitan ng katiyakan ng reporma

(GMT+08:00) 2019-01-03 16:41:49       CRI

Pagdating ng taong 2019.

Sa sampung pinakamahalagang pandaigdigang balita noong 2018 na napili ng mga pangunahing media ng iba't-ibang bansa, nakalakip dito ang paglala ng pandaigdigang kalagayang pangkalakalan na ibinunsod ng Amerika.

Kung babalik-tanawin ang taong nakalipas, sa kanyang mensaheng pambagong-taon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lipos ang natamong bunga, at buong tatag ang landas na tinatahak ng Tsina. Para sa kinabukasan, ipinagdiinan niya na hindi nagbabago ang kompiyansa at determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at seguridad ng bansa, at hindi rin nagbabago ang katapatan at kabutihan ng bansa sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at pagpapasulong ng komong kaunlaran. Ito ay sagisag na matatag na isinusulong ng Tsina ang iba't-ibang reporma, at bilang isang responsableng malaking bansa, nagiging matatag at hindi nagbabago ang katapatan at kabutihan nito sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at pagpapasulong ng komong kaunlaran ng iba't-ibang bansa sa daigdig.

Ang pagpapasulong ng komong kaunlaran ay nagpapakita sa proseso ng globalisasyon, at walang anumang zero-sum thinking na taglay ng ilang bansa. Noong isang taon, isinagawa ng Tsina ang isang serye ng reporma at pagbubukas na gaya ng malaking pagpapababa sa taripa, pagbabawas ng negatibong listahan, pagkansela ng limitasyon sa pamumuhunan sa mga industriya, at pagpapalakas ng pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR). Ibayo pang pasusulungin ang tunguhing ito sa kasalukuyang ito.

Para sa Tsina, kahit marami ang iba't-ibang uri ng di-matatag na elemento sa hinaharap, ang pinakamasusi at pinakamahalagang bagay ay gawin nang mainam ang sariling tungkulin. Ibig sabihin, dapat lubos at ganap na isagawa ang komprehensibong reporma. Ito ay magiging buong tatag na aksyon ng Tsina sa taong 2019 at mas mahabang panahon sa hinaharap. Ito rin ay pinakamalinaw na hudyat ng Tsina para sa buong daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>