Ipinahayag ni Liu Kun, Ministro ng Pinansya ng Tsina na bilang pagpapatupad sa katatapos na taunang Central Economic Work Conference, gagawin ng kanyang ministri ang serye ng mga hakbangin para mapasulong ang dekalidad na pag-unlad ng pambansang kabuhayan para sa taong 2019.
Paliwanag ni Liu, sa taong 2019, ibayo ang babawasan ng kanyang ministri ang buwis at gastos ng mga bahay-kalakal at indibiduwal. Kabilang dito, isasagawa ng bansa ang inklusibo at estruktural na pagbabaws ng buwis para pangunahin na mapagaan ang pasanan ng industriya ng paggawa at mga small- and micro-sized businesses.
Dagdag pa ni Liu, patataasin din ng bansa ang episyensiya sa paggamit ng mga pondong piskal. Para rito, idaragdag ang laang gugulin sa mga larangang may kinalaman sa pagpapahupa ng kahiparan, agrikultura, kanayunan, mga magsasaka, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang taunang Central Economic Work Conference ay ginanap noong Disyembre, 2018, kung saan itinakda ang mga pangunahing pambansang plano, patakaran at hakbangin para sa taong 2019.
Salin: Jade