|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Sabado, Disyembre 29, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Doland Trump ng Estados Unidos.
Ipinahayag ni Trump na mahalaga ang relasyong Amerikano-Sino. Aniya, ikinasisiya niya ang ginagawang pagsisikap ng mga working group ng dalawang bansa upang maisakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating nila ni Xi sa Argentina. Natamo na ng kinauukulang pagsasanggunian ang positibong progreso, dagdag niya.
Tinukoy naman ni Xi na kapwang sinang-ayunan nila ni Pangulong Trump na isulong ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Aniya, nitong ilang araw na nakalipas, aktibong isinusulong ng mga working group ng dalawang bansa ang mga may kinalamang gawain. Umaasa siyang pag-iibayuhin ang kanilang pagsisikap para magkaroon ng paborableng kasunduan sa dalawang panig at buong daigdig, aniya pa.
Ipinagdiinan din ni Xi na ang susunod na taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika. Pinahahalagahan aniya ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano para mapalakas ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pagpapatupad ng batas, pakikibaka laban sa droga, at kultura.
Bukod dito, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |