GDP ng Tsina noong ikalawang kuwarter, lumaki ng 6.7%
(GMT+08:00) 2018-07-16 12:07:53 CRI
Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, ika-16 ng Hulyo, 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong ikalawang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 6.7% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob, o GDP ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ang bilis ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina ay nasa 6.7% hanggang 6.9% nitong 12 kuwarter na nakalipas.