Kinatagpo Enero 21, 2019, dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya. Binigyan-diin ni Xi na dapat gawing target ang pagtatatag ng komunidad ng komong kapalarang may estratehikong katuturan, ibayo pang paunlarin ang kooperasyon, at lumikha ng mabuting kalagayan para sa mas malaking pag-unlad sa susunod na 60 taon.
Ani Xi, kumakatig ang Tsina sa Kambodya na tumatahak sa landas na angkop sa aktuwal na kalagayan ng kanilang bansa. Aniya, dapat palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa pulitika, kabuhayan, seguridad, at kultura.
Nagpahayag naman si Hun Sen ng pasasalamat sa matatag na pagkatig at tulong ng Tsina sa Kambodya. Aniya, nakahanda itong lumahok sa kooperasyon ng "Belt and Road" Initiative, palakasin ang kooperasyon at pagpapalitan sa pamumuhay ng mga mamamayan, agrikultura, kalakalan at pamumuhunan, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.
Salin:Lele