Sa pag-uusap, Enero 22, 2019 sa Beijing nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, tinukoy ni Premyer Li na umaasa ang Tsina na ibayong pasusulungin ang ugnayan ng "Belt and Road Initiative" at estratehiyang pangkaunlaran ng Kambodya. Positibo aniya ang Tsina sa paglahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa konstruksyon at pangangasiwa ng Kambodya sa mga larangang gaya ng produktibong lakas, transportasyon, koryente, at iba pa. Umaasa rin si Li na bibigyan ng ginahawa ng Kambodya ang mga bahay-kalakal ng Tsina. Sinabi pa ng Premyer Tsino, na nais niyang pahigpitin ang koordinasyon ng dalawang panig sa pagtatatag ng mga proyektong pangkooperasyon na gaya ng Sihanoukville Special Economic Zone, 2019 Culture at Tourism Year ng Tsina at Kambodya, kooperasyon ng Tsina at ASEAN, kooperasyon ng Lancang-Mekong River at iba pa. Nakahanda aniya ang Tsina na ipagpatuloy ang pagbibigay-tulong sa Kambodya para pabilisin ang pag-unlad at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan ng kanyang bansa.
Ipinahayag naman ni Hun Sen na nakahanda siyang patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Kambodya at Tsina, pahigpitin ang komprehensibong pagtutulungan ng dalawang panig, pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.