Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap Enero 22, 2019 sa Beijing sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC) kay dumadalaw na Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Ipinahayag ni Tagapangulong Li ang pag-asang pahihigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga organong lehislatibo ng Tsina at Kambodya para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa at ibayong patibayin ang tradisyonal na pagkakabigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Samantala, ipinahayag ni Tagapangulong Wang na nakahanda ang CPPCC na magsikap, kasama ng Cambodian counterpart para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa at pasulungin ang pagpapalitan sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para ibayong pasulungin ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Kambodya. Ipinahayag naman ni Hun Sen na ang pag-unlad ng Tsina ay nagbigay –pagkakataon para sa pag-unlad ng rehiyon at mga umuunlad na bansa. Positibo aniya ang kanyang bansa sa "Belt and Road Initiative." Nakahanda aniya ang Kambodya na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palalimin ang pagtutulungan at bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng kapuwa panig.