Sultan Abdullah, hinirang bilang bagong puno ng estado ng Malaysia
(GMT+08:00) 2019-01-25 17:59:14 CRI
Pagkatapos ng halalan, hinirang noong ika-24 ng Enero ng Conference of Rulers ng Malaysia si Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah ng Pahang State, bilang bagong puno ng estado ng bansang ito. Hahalinhan niya si Sultan Muhammad V, ikalabinlimang puno ng estado na nagbitaw noong ika-6 ng Enero.
Ang termino ni Sultan Abdullah ay tatagal nang limang taon mula ika-31 ng Enero, 2019.