Miyerkules, Enero 30, 2019, pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina, kung saan pinakinggan ang ulat tungkol sa gawain ng pagsasaayos sa overdue debt sa mga pribado, katamtaman at maliliit na bahay-kalakal. Hiniling sa pulong na pag-ibayuhin ang gawaing ito, at kumpletuhin ang pangmatagalang mekanismo.
Tinukoy din sa pulong na sapul noong nagdaang Nobyembre, aktibong isinaayos ng iba't ibang rehiyon, mga kaukulang departamento at malalaking bahay-kalakal na ari ng estado ang utang sa mga pribado, katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, at ipinauna ang pagbabayad ng overdue salary sa mga rural laborer at utang sa mga proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Diin sa pulong, sa susunod na hakbang, dapat pag-ibayuhin ang gawaing ito, at pabilisin ang pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo ng pagpigil sa overdue debt.
Salin: Vera