Natapos nitong Huwebes, Enero 31, local time, sa Washington D.C. ang dalawang araw na talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika sa mataas na antas. Nagtamo ang katatapos na talastasan ng mahalagang progreso hinggil sa pagbabalanse ng bilateral na kalakalan, paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), mekanismo ng pagpapatupad, at iba pa.
Itinakda rin ng magkabilang panig ang timetable at roadmap ng gaganaping talastasan.
Sumang-ayon ang dalawang bansa na pahigpitin ang pagtutulungan sa larangan ng paglilipat ng teknolohiya. Pag-iibayuhin din ng Tsina ang pag-aangkat ng mga paninda mula sa sektor ng agrikultura, enerhiya, industriya ng paggawa, serbisyo ng Amerika para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac