|
||||||||
|
||
Natapos nitong Huwebes, Enero 31, local time, sa Washington D.C. ang dalawang araw na talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika sa mataas na antas. Nagtamo ang katatapos na talastasan ng mahalagang progreso hinggil sa pagbabalanse ng bilateral na kalakalan, paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), mekanismo ng pagpapatupad, at iba pa.
Sumang-ayon ang dalawang bansa na pahigpitin ang pagtutulungan sa larangan ng paglilipat ng teknolohiya. Pag-iibayuhin din ng Tsina ang pag-aangkat ng mga paninda mula sa sektor ng agrikultura, enerhiya, industriya ng paggawa, serbisyo ng Amerika para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang Tsino.
Nagpasiya ang magkabilang panig na idaos ang bagong round ng talastasan sa kalagitnaan ng buwang ito, sa Beijing.
Pagkatapos ng talastasan, kinatagpo ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos si Liu He, Pangalawang Premyer at punong koordinador ng Tsina sa nasabing talastasan. Kinilala ng magkabilang panig ang mga natamong bunga ng katatapos na talastasan. Umaasa anila silang mararating ang kasunduang pangkalakalan na makakabuti sa kapuwa panig sa lalong madaling panahon.
Masasabing nakamtan ng Tsina't Amerika ang pinakahuling progreso sa paglutas sa alitang pangkalakalan na may win-win result na bunga ng katapatan at paggagalangan ng magkabilang panig. Sa talastasan, kapuwa ipinahayag ang kani-kanilang pagkabahala at batay rito, buong sikap na hinanap ng magkabilang panig ang komong interes sa iba't ibang paksa. Kung itutuloy ng dalawang bansa ang ganitong paraan, magkakaroon sila ng mga bagong pagkakataon para sa komong kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |