Idinaos nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 6, local time sa Washington D.C. ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Amerika at Chinese New Year. Mahigit 750 panauhin mula sa iba't ibang sektor ng dalawang bansa ang lumahok sa nasabing selebrasyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika na nitong 40 taong nakalipas, ang magkasamang pagpapasulong ng dalawang bansa ng bilateral na ugnayan ay nagdulot ng napakalaking kapakinabangan para sa mga mamamayang Tsino't Amerikano. Ang pagtutulungan ay pinakamagandang pagpili ng dalawang bansa, diin ni Cui.
Kabilang sa mga aktibidad ng selebrasyon ay palabas, eksibisyon hinggil sa bunga ng pagtutulungang Sino-Amerikano, katutubong sining ng Tsina at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac