Nag-usap sa telepono, kahapon, Sabado, ika-21 ng Hulyo 2018, sina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika. Ito ay ginawa pagkaraan ng summit ng dalawang bansa, na idinaos noong ika-16 ng buwang ito sa Finland.
Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Rusya, nagpalitan ng palagay ang dalawang opisyal hinggil sa prospek ng relasyon ng Rusya at Amerika, at pagpapasulong ng normalisasyon ng bilateral na relasyon batay sa pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Tinalakay din nila ang hinggil sa kalagayan sa Syria, at paglutas sa mga problema sa makataong tulong sa bansang ito, pati rin ang paksa hinggil sa denuklearisasyon sa Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai