Ang turismo ay isa sa mga masiglang industriya sa 7-araw na bakasyon ng Chinese New Year o Spring Festival ng Tsina. Ayon sa pagtaya, sa kasalukuyang bakasyon ng Spring Festival, aabot sa 7 milyong person time ang bilang ng mga turistang Tsino sa labas ng bansa, at lalaki ng 15% ang bilang na ito kumpara sa bakasyon ng Spring Festival noong 2018.
Sa mula't mula pa'y, ang turismo ay isa sa mga pinakamalaking lakas tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Ayon sa World Tourism Organization, malaki ang ambag ng Tsina sa matatag na paglaki ng bilang ng mga turista sa buong daigdig. Noong 2018, umabot sa 140 milyong person time ang bilang ng mga turistang Tsino sa labas ng bansa, at katumbas ito ng 10% ng kabuuang bilang ng mga turista sa buong mundo. At naglakbay ang mga turistang Tsino sa 157 bansa at rehiyon ng daigdig. Nitong nakalipas na 5 taong singkad sapul noong 2013, ang Tsina ay nananatiling bansang may pinakamalaking bilang ng mga turista sa ibang bansa sa buong daigdig.
Nagdudulot din ang mga turistang Tsino ng malaking ambag sa kabuhayan ng mga destinasyong bansa. Ayon sa Ministri ng Turismo ng Indonesya, noong 2018, naglakbay sa bansang ito ang halos 2 milyong turistang Tsino, at mahigit 1100 dolyares ang karaniwang gugol ng bawat turista. Ang mga turistang Tsino ay matatag na pinanggagalingan ng kita ng salaping dayuhan ng Indonesya. Ayon naman sa estadistika ng panig opisyal ng Britanya, noong 2017, lumampas sa 900 milyong dolyares ang gugol ng mga turistang Tsino sa bansang ito, at lumaki ng 35% ang halagang ito kumpara sa tinalikdang taon. Itinuturing ng Kawanihan ng Turismo ng Britanya ang Tsina, na "pinakamakabuluhang bansang pinanggagalingan ng mga turista sa buong mundo."
Sa kabilang dako, ang Tsina naman ay isa sa mga malaking destinasyong panturismo ng daigdig. Sa listahan ng 72 lunsod ng daigdig na ipinalalagay ng World Travel and Tourism Council na may malaking pamilihan ng turismo, nasa unang sampu ang Beijing, Shanghai, at Shenzhen ng Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng sektor ng turismo, na gaya ng pagsubok ng medical visa service, paglakip ng mas maraming lugar sa Transit Visa Exemption, pagpapabuti ng serbisyo sa self-driving travel ng mga dayuhan sa Tsina, at iba pa. Sa pamamagitan ng ibayo pang pagbubukas sa labas ng sektor ng turismo, magbibigay din ang Tsina ng ambag sa pag-unlad ng turismo ng daigdig.
Salin: Liu Kai