Sinimulan kahapon, Sabado, ika-9 ng Pebrero 2019, sa Vientiane, Laos, ang paglatag ng mga concrete beam ng Nam Khone Super Major Bridge, pinakamahabang tulay sa China-Laos Railway.
Ang naturang tulay na itinatayo ng China Railway No 2 Engineering Group, ay may kabuuang haba ng 7506.3 metro. Nakatakdang matapos ang paglatag ng mga concrete beam sa ika-3 ng darating na Hunyo ng taong ito.
Samantala, sinimulan noong Disyembre 2016 ang konstruksyon ng China-Laos Railway, at nakatakdang isaoperasyon ito sa Disyembre ng 2021.
Salin: Liu Kai