Sinabi kahapon, Lunes, ika-11 ng Pebrero 2019, ni Bosengkham Vongdara, Ministro ng Impormasyon, Kultura, at Turismo ng Laos, na noong 2018, umabot sa halos 4.2 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhang naglakbay sa bansang ito. Ang bilang na ito ay lumaki ng 8.2% kumpara sa taong 2017.
Ayon kay Bosengkham Vongdara, kabilang dito, mahigit 800 libo ang mga turistang Tsino. Sinabi rin niyang, sa pamamagitan ng taon ng turismo ng Laos at Tsina sa 2019, may pag-asang lalampas sa 1 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino sa Laos sa taong ito.
Salin: Liu Kai