|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing na idinaos Martes, Pebrero 12, 2019, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sinabi ni Chu Shijia, Puno ng Komprehensibong Departamento ng nasabing ministri, na ayon sa pagtaya, noong isang buwan, nananatili pa ri ang paglaki ng tunguhin ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal ng Tsina.
Isasapubliko sa malapit na hinaharap ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina ang datos ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng bansa para sa nagdaang Enero. Kaugnay nito, ipinahayag ni Chu na bagama't kinakaharap ng kalakalang panlabas ng Tsina ang masalimuot at mahirap na kalagayan, mayroong pa ring maraming paborableng elemento.
Ipinagdiinan din niya na sa kasalukuyang taon, ibayo pang gagalugarin ng Tsina ang pamilihan at pabubutihin ang kayarian ng pandaigdigang pamilihan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |