Sa ika-14 at ika-15 ng kasalukuyang Pebrero, nakatakdang idaos sa Beijing ang bagong round ng pagsasanggunian sa mataas na antas ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng kabuhayan at kalakalan, na lalahukan nina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer na Tsino, at puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Batay sa pagsasanggunian na naganap kamakailan sa Washington DC, ibayo pang tatalakayin ng dalawang panig ang hinggil sa mga isyung kapwa nilang pinahahalagahan.
Darating sa Beijing sa ika-11 ng buwang ito ang working group ng panig Amerikano.
Salin: Liu Kai