Binuksan Enero 30, 2019 ang 2-araw na bagong round ng pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas sa Eisenhower Executive Office Building, White House. Kalahok dito sina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangalawang Premyer ng Tsina; Robert Lighthizer, Trade Representative ng Amerika at Steven Mnuchin, Kalihim ng Pananalapi ng Amerika, at iba pang mga opisyal ng sektor ng komersyal at pinansyal ng dalawang bansa.
Salin:Lele