Kahapon at ngayong araw, ika-14 at ika-15 ng Pebrero, 2019, idinaos sa Beijing ang bagong round ng pagsasanggunian sa mataas na antas ng Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng kabuhayan at kalakalan, na nilahukan nina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer na Tsino, at puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga isyung gaya ng paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa IPR, mga non-tariff barrier, sektor ng serbisyo, agrikultura, pagkabalanse sa kalakalan, at iba pa. Narating nila ang may prinpisyong komong palagay sa mga pangunahing isyu, at tinalakay nila ang hinggil sa bilateral na memorandum of understanding sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Ipinahayag ng kapwa panig, na batay sa taning na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa, pabibilisin nila ang mga gawain sa pagsasanggunian, at magsisikap para magkaroon ng pagkakasundo.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na isasagawa ang pagsasanggunian sa Washington DC sa susunod na linggo.
Salin: Liu Kai