Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa kalakalan, nagtamo ng malaking progreso

(GMT+08:00) 2019-02-16 11:36:38       CRI
Pagkatapos ng ika-6 na round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa isyu ng kabuhaya't kalakalan, nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin, na kalahok sa pagsasanggunian. Ito ang kauna-unahang pakikipagtagpo ni Xi sa mga kinatawang Amerikano sa naturang pagsasanggunian.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Xi, na sa mula't mula pa'y umaasa ang panig Tsino na lulutasin ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng kooperasyon. Dagdag niya, may prinsipyo ang kooperasyong ito, na hindi masisira ang nukleong interes ng Tsina at saligang interes ng mga mamamayang Tsino.

Batay sa nagdaang mga pagsasanggunian mula noong Disyembre, natamo ng kasalukuyang round ng pagsasanggunian ang malaking progreso. Malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga isyung gaya ng paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa IPR, mga non-tariff barrier, sektor ng serbisyo, agrikultura, pagkabalanse sa kalakalan, at iba pa. Narating nila ang may prinpisyong komong palagay sa mga pangunahing isyu.

Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa bilateral na memorandum of understanding sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Ipinakikita nitong, ang pagsasanggunian ay pumasok sa yugto ng pagbuburador ng teksto ng kasunduan.

Higit sa lahat, sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na isasagawa ang pagsasanggunian sa Washington DC sa susunod na linggo. Sa pamamagitan ng pagpapabilis ng iskedyul ng pagsasanggunian, ipinahayag ng kapwa panig ang hangaring magkaroon ng pagkakasundo batay sa taning na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa. Nagbibigay ito ng optimistikong signal na may pag-asang mararating sa lalong madaling panahon ng Tsina at Amerika ang kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>