Nilagdaan kahapon, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Vientiane, Laos, ang kasunduan hinggil sa mga proyekto ng bansang ito sa ilalim ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Special Fund. Lumagda sa kasunduan sina Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos; at Thongphane Savanphet, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Laos.
Ito ang ikalawang pangkat ng mga proyekto ng Laos sa ilalim ng LMC Special Fund. 21 ang mga proyektong sumasaklaw sa mga larangan ng paggagalugad ng yamang tao, kooperasyon sa production capacity, konstruksyon ng imprastruktura, kalusugan, agrikultura, pagbabawas ng kahirapan, at iba pa.
Salin: Liu Kai