|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Idinaos Miyerkules, Pebrero 20, 2019 ang seremonya ng pagbubukas ng Taon ng Pagpapalitan ng Media ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Dumalo sa seremonya at binasa ni Huang Kunming, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng CPC ang liham na pambati ni Pangulong Xi jinping ng Tsina.
Seremonya ng pagbubukas ng Taon ng Pagpapalitan ng Media ng Tsina at ASEAN
Sa seremonya, binasa rin ni Virasak Futrakul, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Thailand, ang liham na pambati ni Prayuth Chanocha, Punong Minitro ng Thailand, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN. Tinanaw at ginawan ng plano sa nasabing liham ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2019.
Si Nie Chenxi, Direktor ng National Radio and Television Administration ng Tsina
Sa kanya namang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Nie Chenxi, Direktor ng National Radio and Television Administration ng Tsina, na ang Taon ng Pagpapalitan ng Media ay nakapaglatag ng plataporma para sa kooperasyon ng mga media ng kapuwa panig. Umaasa aniya siyang ganap na gagamitin ng mga media ng Tsina at ASEAN ang platapormang ito, upang hanapin ang komong kaunlaran.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |