Ipinahayag Miyerkules, Pebrero 20, 2019 sa Kuala Lumpur ni Datuk Seri Dr. Wan Azizah binti Wan Ismail, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia, na ang China Entrepreneurs Association in Malaysia (CEAM) ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng bilateral na kooperasyon ng Tsina at Malaysia.
Winika ito ni Wan Azizah sa isang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-3 anibersaryo ng pagkakatatag ng CEAM at ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia. Umaasa aniya siyang patuloy na gagawa ng ambag ang CEAM para sa kooperasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa. Winewelkam din aniya ng Malaysia ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan, upang maisakatuparan ang win-win results.
Ipinahayag naman ni Bai Tian, Embahador ng Tsina sa Malaysia, ang pag-asang patuloy na magsisilbing tulay ang mga bahay-kalakal na Tsino sa Malaysia, para sa pagpapahigpit ng pagkakaibgan at pag-uunawaan ng dalawang bansa.
Salin: Vera